2 Patay sa Landslide sa Cebu

KAMATAYAN ANG sinapit ng dalawa katao sa landslide sa Sitio Libas, Cantagan Puro, Isla ng Camotes, Cebu.

Kinilala ang mga biktima na sina Elisio Abarquez, 59, at Nante Esera, 30, na kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Ayon kay PO1 Jonelig Gabalani ng Cebu Provincial Police Office(CPPO), nangyari ang insidente malapit sa ilog na kinu-quarry ng dalawang biktima.

Lumambot ang lupa dahil sa malakas na ulan kahapon dahilan para matabunan ng puitk ang dalawa na katumbas ng aabot sa 20 dumptruck.

Narekober ang ka-tawan ng mga biktima sa pamamagitan ng backhoe dahil na rin sa lalim ng pagkabaon nila sa lupa.

Samantala, iniim-bestigahan pa ng mga awtoridad kung iligal ba ang pagku-quarry sa nasabing bundok.

(EC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.