2 patay sa bingo

DALAWA ANG kumpirmadong nasawi sa insidente ng pananaksak at pananaga sa Bacolod City dahil lamang sa larong bingo.

Ang mga nasabing biktima ay nakilalang sina Renato Fulgencio, 40, at Rommy Canon, 24, kapwa residente ng Brgy. Tangub ng naturang lungsod.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, naglaro ng bingo habang nag-iinuman kamakalawa ang mga biktima kasama si Alberto Toledano, 63, ng Purok Roadside sa nasabing barangay.

Natalo ni Toledano sina Canon at Fulgencio at nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila.

Umuwi ang mga talunan ngunit binalikan si Toledano na may dalang kutsilyo at itak.

Kanilang sinabihan si Toledano na ipakita ang nanalong bingo card nito.

Dahil mga lasing, nagresulta ang kanilang pagtatalo sa saksakan at pananaga kung saan nasugatan sa tagiliran at ulo si Toledano matapos pagtulungan ng dalawa.

Samantala, sugat naman sa ulo ang tinamo ni Fulgencio at sugat sa dibdib ang kay Canon na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan na idineklarang dead on arrival sa ospital kamakalawa ng madaling-araw.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga kinauukulan ang suspek na si Toledano, samantalang at large naman ang anak nitong si Larry na sinasabing may kauganyan din sa nangyaring krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.