2 patay sa Banggaan ng Motorsiklo at Jeep sa Ilocos Norte

PATAY ANG dalawang katao matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep sa Brgy. Caunayan, Pagudpud, Ilocos Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Joker Kalibo, taga-Balaoi, Pagudpud; at Arnel Medrano, 17-anyos, residente ng San Nicolas, Ilocos Norte.

Patay agad si Kalibo dahil sa tinamong matin-ding sugat sa katawan habang hindi na umabot pa ng buhay si Medrano nang isugod sa ospital.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP, lumalabas na nang-agaw ng lane o linya ang mga biktima kaya’t nakabanggaan ang nasalubong na pampasaherong jeep sa kurbadang bahagi ng kalsada. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.