2 Patay sa Aktong Sexcapade sa Bus

TINUTUTUKAN NG mga awtoridad ang anggulo na personal grudge ang motibo sa nangyaring shooting incident kamakailan na ikinasawi ng dalawang katao sa Brgy. Cugman sa syudad ng Cagayan de Oro.

Kinilala ni PO2 Noel Perpetua ng Cugman Police Station ang mga biktima na si Noel Japon, 36, na taga-Alubijid, Misamis Oriental at head guard ng Mandarin Security Services, habang patay rin ang karelasyon nito na si Anafe Lara, 23, na residente sa Iligan City.

Nagtamo umano ng anim na tama ng bala si Japon matapos itong binaril ng security guard na si Danilo Bustillo, 44, na taga-Magsaysay, Lanao del Norte.

Tinamaan din ang babae sa mukha at leeg na naging dahilan sa agaran nitong kamatayan.

Una rito, nagsasagawa umano ng roving si Bustillo sa loob ng Samcor Building Compound nang kanyang maaktuhan na nagtatalik ang mga biktima sa loob ng abandonadong bus.

Nagalit umano si Japon dahil sa pang-iistorbo ni Bustillo hanggang sa humantong sa pagtatalo na nauwi sa pamamaril.

Samantala, kaagad namang sumuko si Bustillo sa mga kinauukulan makaraan ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.