2 Patay; 8 Sugatan, sa Pagsabog sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY – PINANINIWALAANG mga miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) ang responsable sa nangyaring

pagsabog sa isang karinderya sa Barangay Sangali, east coast ng Zamboanga City.

Nabatid na umakyat na sa dalawa ang patay, kung saan nakilala ang isa rito na si Lobito Ibañez na sinasabing binusisi ang isang itim na plastik na siyang pinaglalagyan ng improvised explosive device (IED).

Maliban sa mga nasawi, walong katao rin ang nasugatan sa nangyaring pagsabog.

Kaugnay nito, dalawang IED ang narekober at nai-detonate ng Zamboanga City Police Explosive Ordinance Team.

Nananawagan si Zamboanga City Mayor Celso Lobregat sa mga taga-Zamboanga na maging mahinahon at huwag mag-panic pero maging alerto at ipagbigay-alam sa mga kinauukulan kung may kahina-hinalang bagahe.

Sa ngayon, nakaalerto ang buong puwersa ng PNP at militar sa Zamboanga bunsod ng panibagong pagsabog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.