2 Patay; 7 sugatan Van, nahulog sa bangin

PATAY ANG dalawang katao habang sugatan ang pitong iba pa matapos mahulog sa malalim na bangin ang isang van sa Km. 33, Topdac, Atok, lalawigan ng Benguet, bandang alas-7 ng umaga kahapon.

Ayon kay Police C/Insp. Perlita Tacio, public information officer ng Cordillera PNP, nakuha na nila mula sa bangin ang mga namatay at ang apat sa mga sugatan ay ginagamot na sa Benguet General Hospital.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng isang babae at isang lalaki, dagdag pa ni Tacio.

Samantala, inaalam pa ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang sanhi ng nasabing aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.