2 patay, 7 sugatan sa salpukan ng truck at van

PATAY ANG dalawa katao habang pito ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang isang passenger L300 Van sa nakaparadang ten wheelers truck sa North Cotabato.

Nakilala ang isa sa mga nasawi na si Noramin Sali, driver ng van na may plakang MVG-767 na nagkalasog-lasog ang katawan at isang babaeng pasahero na nawasak ang ulo sa lakas ng impact ng aksidente at hindi pa nakilala.

Habang tatlong bata at apat na may edad naman ang malubhang nasugatan na agad naisugod sa iba’t ibang ospital.

Base sa report ng mga awtoridad, galing ang L300 Van sa lungsod ng Cotabato patungong Midsayap, North Cotabato, ngunit pagsapit nito sa palikong kalsada ng Brgy. Manuangan, Pigcawayan North Cotabato, biglang nawalan ng preno ang van at bumangga sa nakaparadang ten wheeler truck na may plakang MVG-635 sa gilid ng national highway.

Ayon sa driver ng ten wheeler truck na si Riden Pido, katatapos lang nilang magbaba ng bigas sa isang rice mill nang sumalpok ang van sa likurang bahagi ng truck.

Marami ang nagsabi sa mga nakasaksi na sobrang bilis ng takbo ng van sa palikong kalsada at hindi na nito na-control ang manibela kaya bumangga sa nakaparadang sasakyan.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng Pigcawayan PNP sa pamumuno ni S/Insp. Donald Cabigas sa malagim na aksidente sa daan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.