2 Patay; 5 Sugatan sa Engkwentro sa Hacienda

DALAWA ANG patay at lima ang nasugatan matapos magkasagupa ang umano’y mga guwardiya ng magkalabang grupo sa isang hacienda sa Sitio Handumanan, Barangay Concepcion, Talisay City, Negros Occidental.

Patay na nang matagpuan ang guwardiyang si Francisco Lumangyao sa kamalig na nagsisilbi nilang headquarters at ‘di kalayuan sa kanya, nakita naman ang bangkay ng kasama niyang si Federico Mandape.

Sugatan naman ang hepe ng mga biktima na si Corporal Rene Escalona, aktibong miyembro ng Philippine Army, gayundin sina Lolito Oñate Jr., isang reservist at ang katiwala ng hacienda na si Rodolfo Aboc gayundin ang mag-amang Boy at Ralph Salimudao.

Base sa pagsisiyasat , mga kasapi ng First Platoon Company ng 606 Community Defense Center Army Reserved Command ang naka-engkuwentro ng mga biktimang guwardya ng Hacienda Handumanan.

Sinabi ni Supt. Thomas Joseph Martir ng Talisay PNP na away sa lupa ang tinitingnan ugat ng engkuwentro.

Narekober rin sa nasabing lugar ng insidente ang tatlong shotgun, isang M16 rifle, caliber 22, sumpak at granada.

Sa ngayon, inaalam na ng mga awtoridad kung bakit armado ang mga reservist at kung bakit naroon si Cpl. Escalona.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.