2 Patay, 5 Sugatan sa Banggaan ng Bus at Van sa CamSur

 

DEAD ON the spot ang dalawang katao matapos na magbanggaan ang isang pampasaherong

bus at isang van sa Barangay Cadlan sa Pili, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Jayson Arcilla, driver ng van at si Edcel Meligrito na kapwa nagtamo ng seryosong pinsala sa kani-kanilang mga katawan.

Sugatan at patuloy na nilalapatan ng lunas sa Bicol Medical Center ang apat na kasamahan ng mga ito at ang isang pasahero ng RU Diaz bus.

Agad namang sumuko sa PNP Pili ang driver ng bus na si Pedro Bernarde.

Ayon kay Bernarde, binabaybay umano nila ang daan patungong lungsod ng Legazpi nang masalubong ang gume-gewang-gewang na van.

Bagamat sinubukan niya umano itong iwasan, sumalpok pa rin nang malakas ang naturang van sa kanyang minamanehong sasakyan.

Samantala, patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.