2 Patay; 5 Sugatan sa Away-Sugal

PATAY ANG dalawang katao habang sugatan ang limang iba pa sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Bogtong sa bayan ng Malasique, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na sina Sandy Garcia, ng bayan ng Urbiztondo at Maribel Lapino ng siyudad ng Dagupan na kapwa nasawi dahil sa tama ng baril sa kanilang noo.

Batay sa impormasyon ng mga kinauukulan, nakikipagsugal ang mga biktima sa lamayan nang maganap ang insidente.

Sinasabing ang pandaraya sa sugal ng mga dumayo sa lamayan ang naging dahilan ng pamamaril.

Tinamaan sa kamay, paa at tiyan ang mga nasugatan sa insidente.

Narekober naman sa crime scene ang 10 basyo ng kalibre .45 na baril.

Naiwan din sa lugar ang mga sinakyang motorsiklo ng ilang tumakas na sangkot sa naganap  na insidente.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa naturang pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.