2 Patay; 4 Sugatan sa Nag-amok na Kelot

PATAY ANG dalawang katao kabilang na ang salarin habang sugatan ang apat na iba pa sa ginawang pananaga ng isang lalaki sa Barangay Maasin, Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakilala ang mga namatay na sina Florentino Molano, isang traffic enforcer, at ang suspek na si Jose Penuliar.

Napag-alaman na inaawat lamang ng biktima ang salarin na bayaw na ikinagalit ng suspek dahilan para ito ay gilitan sa leeg.

Matapos ang krimen ay agad tumakas ang suspek ngunit tinaga rin nito ang nakasalubong sa daan na si Arnel Gravo.

Hindi pa nakuntento at pinasok nito ang tahanan ng pamilya Moulic kung saan tinaga ang ginang na si Minerva Moulic at limang taong gulang nitong anak.

Walang nagawa ang mga awtoridad kundi ang paputukan ang suspek nang hindi na ito maawat sa pagwawala kung saan isang pulis ang kanya rin nataga.

Samantala, napag-alaman na problema sa pamilya ang itinuturong dahilan sa pag-amok ng salarin.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.