2 Patay, 3 Sugatan sa Pamamaril sa Cavite

DALAWA ANG nasawi at tatlo ang nasugatan matapos mamaril ang kasapi ng close-in security ng isang barangay captain sa Dasmarinas, Cavite.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, lasing na pumunta sa barangay hall ang salarin na si Magdaleno Virano, 52 anyos, at kinumpronta ang barangay administrator na si Marife Bio, 48 anyos.

Hindi umano tumupad ang biktimang si Bio sa pangako nitong bibigyan ang suspek ng pera pagkatapos ng eleksyon.

Kahit inawat na ng mga rumespondeng tanod, tuloy sa pagwawala ang salarin na bumunot pa ng baril at nagpaputok ng apat na beses.

Tinamaan si Bio na hindi na umabot nang buhay sa pagamutan. Nasawi rin ang tanod na si Eduardo Buguit.

Tinamaan naman sa kaliwang hita ang kasama ng salarin na si Diego Humbria habang sugatan din ang lider ng mga tanod at isang ‘di pa pinangalanang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.