2 patay, 2 pulis sugatan sa engkwentro sa Agusan del Sur

DALAWANG KATAO ANG patay habang sugatan naman ang dalawang pulis na rumesponde sa pagsalakay ng pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Trento, Agusan del Sur.

Sa ulat, isa mga sugatang pulis ay sa tinangay ng mga rebelde na umano’y ginawang human shield ng mga rebelde upang makatakas.

Pasado alas-6:00 ng umaga noong Martes nang maganap ang engkwentro sa Bgy. Pulang Lupa.

Sinabi naman ni Supt. Joseph Plaza, police provincial director ng Agusan del Sur Police Provincial Office, ang mga nasawi ay mga sibilyang uutusan sa pagkolekta ng buwis sa mga kahoy na ita-transport at dadaan sa naturang lugar.

Sugatan naman si PO3 Mario Servillano habang ang dinala naman ng mga rebelde ay kinilalang si PO3 George Cabagting.

Tinatayang 70 miyembro ng NPA ang umatake sa revenue collection station, pati na sa blocking force na nasa unahang bahagi lang ng encounter scene.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.