2 Patay, 2 Naospital Dahil sa Butterfly Fish

DALAWA ANG patay matapos malason ng isdang Parparia o Butterfly Fish sa bayan ng Claveria, lalawigan ng Cagayan.

Kinilala ng Department of Health (DOH) Region 2 ang mga biktimang si Samuel Balatico, 26-anyos; at Crispina Balaan, 88-anyos.

Base sa inisyal na report, nakakain si Balatico ng Butterfly fish at pagkatapos ng 30 minuto ay bigla itong nagsuka at nagdumi.

Naisugod pa ito sa pagamutan pero idineklarang patay bandang alas-10:00 ng gabi.

Hunyo 9 naman nang kumain din ng Parparia ang isa pang biktima na si Balaan na dahilan din umano ng agaran nitong pagkamatay.

Bukod sa dalawang biktima, dalawa pa nilang kabarangay ang nakaranas din ng pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos kumain din ng nasabing isda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.