2 patay; 14 sugatan sa pagsabog sa Basilan

 

BASILAN – DALAWANG KATAO ang nasawi habang 14 pa ang sugatan sa sunog at pagsabog sa isang karinderya sa Isabela City noong Sabado ng hapon.

Ayon kay Chief Supt. Felicisimo Khu, commander ng PNP Directorate for Integrated Police Office-Western Mindanao, alas-5:45 ng hapon nang maganap ang pagsabog sa Mon’s Kitchenette na nasa Veterans Ave., Isabela City, 40 metro ang layo sa Isabela Church.

Sa pagsisiyasat, sinabi ni PNP Provincial Director Alex Lineses, nagkaroon muna ng sunog saka ang pagsabog hanggang sa natuklasan ang dalawang bangkay matapos maapula ang apoy.

Dinala naman sa iba’t ibang pagamutan ang mga sugatan na karamihan ay sa paa nagkaroon ng diperensiya.

Inihayag naman ni PRO-9 Director C/Supt. Elpidio De Asis na kasama sa mga nasugatan ang isang pulis na kinilalang si PO1 Abdul Habibon.

Hinala ng ilan, ang LPG ng kitchenette ang pinanggalingan ng pagsabog.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.