2 Patay; 11 Nawawala Dahil kay Labuyo

NADAGDAGAN ANG bilang ng mga nasawi sa hagupit ng Bagyong Labuyo.

Lumalabas sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na inisyu alas-5:00 Martes ng madaling-araw, dalawa na ang namatay na kinabibilangan nina Joemar Salicong, 22-anyos na natabunan ng gumuhong lupa sa Benguet; at Reynaldo Dela Cruz, 53, na nalunod sa Nueva Vizcaya.

Isa naman ang naiulat na nasugatan na kinilalang si John Pateyec na nabiktima ng landslide sa Ifugao.

Bukod dito, may 11 pang nawawala kabilang ang isang babae sa Isabela, isang lalaki sa Batanes, tatlong mangingisda sa Camarines Norte at anim na mangingisda sa Bolinao, Pangasinan.

Tinataya naman na 7,100 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa Regions 1, 2, 3, 5 at CAR.

May 1,158 pa namang istranded sa mga pantalan, habang 1,577 ang kabuuang bilang ng mga bahay na sinira ng naturang bagyo.

Sa Regions 2 at 3, umaabot na sa mahigit P57 milyon ang halaga ng pinsala.

Sa kabilang dako, posibleng tumaas pa ang bilang ng casualties sa iniwang hagupit ni Labuyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.