2 Patay; 1 Sugatan sa Pamamaril sa Cebu

PATAY ANG dalawang katao, habang isa ang sugatan sa naganap na pamamaril sa Sitio Luwan-luwan, Brgy. Poblacion, Lungsod ng Carcar, Cebu.

Kinilala ang nasawi na sina Reggie Fabruah, residente ng naturang lugar na nagtamo ng tama ng baril sa ulo; at isang nagnga-ngalang Glen, taga-Dawis, Bohol na tinamaan naman sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Habang nagtamo naman ng tama ng baril sa kanyang binti si Juanito Saraga, 41, na taga-Dawis, Bohol.

Ayon kay PO1 Alvin Torres, desk officer ng Carcar Police Station, nag-iinuman umano ang mga biktima sa nabanggit na lugar kasama ang isa pa nilang kasamahan.

Bigla na lang umanong may tatlong kahina-hinalang kalalakihan na huminto sa kanilang harapan na nakasakay sa motorsiklo at saka pinaulanan ng bala ang mga ito.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas sa lugar ang mga salarin patungo sa Barangay Liburon, samantalang dinala naman sa ospital ang mga biktima ngunit agad na binawian ng buhay ang dalawa sa kanila.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa naturang insidente at sa motibo ng krimen. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.