2 Patay; 1 Sugatan sa Pagsabog sa Maguindanao

 

DALAWANG KATAO ang kumpirmadong nasawi, habang isa naman ang sugatan matapos ang pagsa-bog kahapon ng umaga sa bahagi ng Datu Odin Sinsuat lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Philippine National Police (PNP) Provincial Director Marcelino Pintac, nangyari ang pagsa-bog dakong alas-10:50 kahapon ng umaga sa harap mismo ng bahay ng nasawing si dating Maguindanao Board Member Datu Rusman Sinsuat, Sr. na nasawi matapos na pasabugan ang convoy ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu ng nakalipas na Agust 19, 2011.

Sinabi pa ni Pintac na isang padyak (motorsiklo na nilagyan ng motorboat engine) ang sumabog, kung saan sakay nito ang dalawang nasawi habang nadamay naman sa ‘di kalayuan ang isa pang lalaki na hindi pa napapangalanan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa nasabing pagpapasabog na isinabay sa pagdiriwang ng kapistahan ng Datu Odin Sinsuat ng nasabing lalawigan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.