2 Patay; 1 Sugatan sa mga Magnanakaw

DALAWA ANG patay habang isa ang sugatan nang pasukin ng mga armadong lalaki ang depot ng Pepsi Cola sa Simeon Aguilar St., Passi City, Iloilo.

Idineklarang dead on arrival sa Don Valerio Palmares Memorial Hospital ang security guard na sina Agustos Montefreo, 30-anyos ng Brgy. Nabitasan, Leganes, Iloilo matapos tamaan sa dibdib at Roy Padernal ng Bitaugan, Passi City na tinamaan naman ng bala sa likod.

Sugatan naman ang 17-anyos na si Charlie Salvania ng Brgy. San Jose, San Miguel, Iloilo na ngayon ay naka-confine sa Western Visayas Medical Center.

Ayon kay Supt. Noel Dumalag ng Passi City Police, sumalakay ang mga kawatan at pinaputukan ang mga gwardya.

Gayunman, nabigo ang mga ito na makakuha ng pera sa depot nang magmadaling tumakas nang matunugan na papara-ting na ang mga pulis.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.