2 patay; 1 kritikal, sa vintage bomb

 

DAVAO CITY – SA halip na kayamanan, kamatayan ang sumalubong sa dalawang katao habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na sumabog ang isang vintage bomb na kanilang napulot sa Brgy. Mandug, Buhangin District, Davao City kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga nagutay ay sina Diosdado Maglasang, 40 at isang nakilala lamang sa alyas na Luding, 50. Nasa kritikal namang kalagayan si Pablito Higpano Mayorhermita, 44.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-10:58 ng umaga matapos pagtulungan ng tatlo na buksan ang vintage bomb na inakalang kayamanan na napulot sa maisan.

Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lugar kung saan nasawi ang dalawa. Narekober naman ng bomb squad team ng pulisya ang mar-tilyo, lagare, at iba pa na ginamit sa pagtatangkang buksan ang nabanggit na vintage bomb.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.