2 Patay, 1 Kritikal sa mga Nagwalang Kelot

PATAY ANG dalawang katao kabilang ang isang ginang, habang sugatan ang isa pa matapos paputukan ng sumpak ng tatlong kelot sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng mga shrapnel sa katawan sina John Joseph Nordan at Banjie Garcia ng Northville Subd., Canumay West ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa VGH sanhi rin ng tama ng shrapnel si Christian Pantible ng nasabing lugar.

Nadakip naman sina Jay-Ar Alcantara, 19; at Rodelio Contero; habang nakatakas naman si Arvin Siervo pawang mga kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, ala-1 ng umaga, nagwawala ang mga suspek sa nasabing lugar hanggang sumpakin ang mga biktima na nakitang nakatingin.

Matapos ang insidente ay dinala ang mga biktima sa VGH, kung saan nada-kip naman sina Alcantara at Contero habang nakatakas si Siervo.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pagwawala ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.