2 paslit tinodas ng inang bangag

DAHIL BALAKID sa kanyang bisyong droga, pinatay ng 24-anyos na ina ang dalawang anak kabilang ang isang sanggol sa bayan ng Hinigaran, Negros Occidental.

Nakakulong ngayon si Mira Lacson, single parent, walang trabaho, ng  Sitio Daat, Brgy. Calapi makaraang isuplong ng kanyang mga ama.

Kinilala naman ang mga nasawing paslit na sina Carmela, isang taong gulang at Violy Mae, 3 anyos.

Ayon sa ama ng suspek na si Francisco, alas-3 ng hapon noong Lunes, aalis sana ang suspek upang mamasyal at makipagkita sa kanyang barkada ngunit umiiyak ang kanyang mga anak dahil gustong sumama.

Dito pinagalitan ng magulang si Mira na bitbitin ang mga anak kung nais pa ring umalis ng bahay.

Sinasabing dinala ng suspek ang mga anak ngunit pagkalipas ng isang oras, bumalik ito sa kanilang bahay at isinumbong sa ama na iniwan ang mga anak sa gitna ng taniman ng tubo.

Dito na kinabahan ang ama at humingi agad ng tulong sa mga barangay tanod, kung saan kanilang nakita ang malamig na bangkay ng mga bata na natabunan ng dahon ng saging at walang pang-itaas na damit.

Naniniwala ang ama na posibleng tinakpan ni Mira ang ilong at bunganga ng kanyang mga anak upang hindi makahinga hanggang bawian ng buhay.

Napag-alaman din na noong nakaraang dalawang taon ay sinubukan ng suspek na patayin ang panganay nitong anak, kung saan nilaslas nito ang pulso ng bata.

Sinabi pa ng ama na posibleng nasa ilalim ng impluwensiya ng marijuana ang anak kung kaya’t nagawa nito ang karumal-dumal na krimen.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.