2 paslit patay, 11 na-ospital dahil sa butete

NEGROS OCCIDENTAL – DALAWANG paslit ang nasawi, habang 11 iba pa ang isinugod sa ospital makaraang kumain ng isdang butete sa bayan ng Hinigaran kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na sina Luisa Sinatus, 7-anyos at kapatid na si Jemmar, 3-anyos ng Brgy. Tagda, Zone 5.

Isinugod din sa Western Visayas Regional Hospital sa Bacolod City ang ama ng mga biktima at sampung kapitbahay nila.

Sa record, ginawang pulutan ng kapitbahay ng Pamilya Sinatus ang isdang butete at dahil marami ang niluto, ginawa rin itong ulam.

Makaraan ang kanilang pananghalian noong Sabado, nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagdudumi ang mga biktima.

Dahil mura pa ang katawan, sinasabing na-dehydrate ang mga dalawang paslit hanggang sa mamatay ang mga ito.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.