2 Paslit, Naabo sa Sunog sa Sampaloc

PATAY ANG dalawang bata sa sunog na nangyari sa Sampaloc, Maynila kahapon.

Nakilala ang isa sa mga biktima na si Arjun Salubre, 4; habang ang isa pang biktima ay apat na taong gulang din.

Na-trap umano ang mga biktima sa nasunog nilang bahay.

Nagsimula ang apoy sa tahanan ni Maila Floresco at umakyat sa ikatlong alarma bago naapula makaraan ang kalahating oras.

Apat na mga bahay ang natupok ng apoy at tinatayang nasa P300,000 ang halaga ng pinsala.

Samantala, nasugatan naman si Jun Salubre, ama ng biktima, makaraang magwala nang mabalitaan ang nangyari sa anak.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.