2 Paslit na magkapatid, nalunod

CEBU – SA HALIP na maging abala sa eskuwela, pinaglalamayan ngayon ang dalawang paslit nang malunod sa Carcar City noong Linggo.

Kinilala ang mga biktima na si James Lloyd Milano, 8-anyos, at ang kapatid nito na si Ernst, 6-anyos ng Sitio Nangkaan, Bgy. Perrelos, Cebu City.

Ayon sa ama ng mga paslit na si Jaime, iniwan niya dakong alas-2 ng hapon ang magkapatid sa kanilang bahay upang bumili ng gamit ng mga ito sa eskuwelahan subalit nang bumalik siya ay wala nang mga ito.

Sinasabing hinanap ni Jaime ang mga paslit ngunit bigo siya hanggang sa matagpuan ang dalawang bangkay ng mga ito na lumulutang sa isang fish pond malapit sa kanilang lugar.

Hinala ng mga otoridad, sinamantala ng mga biktima na wala silang kasama, kung saan naglaro ang mga ito at isa ang unang nalunod na tinangka namang sagipin ng isa pa, kaya kapwa namatay.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.