2 Paslit na Dinukot sa QC,Natagpuan na

NATAGPUAN AT naisauli na sa kanilang mga magulang ang dalawang bata na tinangay ng hindi nakilalang suspek sa West Fairview, Quezon City, Lunes ng hapon.

Sinabi ni Jun Espino na natagpuan na lang ng mga tauhan ng Barangay West Triangle, Quezon City ang kanyang anak na si Lira, 5-taong gulang, habang sa Cubao area naman iniwan ang 6-taong gulang na kalaro at kapitbahay nitong si Nathaniel Senarosa.

Ayon sa salaysay ng dalawang bata, inalok sila ng salarin ng candy para sumama sa kanya.

Isinakay umano sila sa bus at dyip ng hindi nakilalang suspek at nangako pang pakakainin sila sa dalawang sikat na fast food chain.

Nakita ang dalawang bata ng isang concerned citizen na nagdala sa kanila sa isang barangay hall kung saan sila nagtagpo.

Kaya agad na natunton ng mga kinauukulan kung saan sila nakatira at naisauli sa kanilang mga magulang.

Samantala, hinala naman ng mga magulang ng mga biktima, posibleng gagamitin sa pamamalimos ang dalawa kung hindi ito agad naibalik sa kanila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.