2 Paslit, Hinalay ng Barangay Tanod

KALABOSO ANG isang barangay tanod na suspek sa kasong panghahalay ng dalawang paslit matapos maaresto ng mga tauhan ng CIDG sa Brgy. Prenza 2, Marilao, Bulacan.

Sa police report na nakarating kay Senior Supt. Rudy Lacadin, CIDG Regional Officer, kinilala ni Chief Insp. Monico Cadayona, provincial officer ng Bulacan-CIDG, ang naarestong suspek na si Lusitio Tabios, 38 anyos, barangay tanod, at residente ng Block 26, Lot 1, Karla Ville North, Brgy. Prenza 2.

Base sa inisyal na

imbestigasyon ni Senior Insp. Armando Reyes, SPO2 Rene Nario at PO2 Alvin Rodrigo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni RTC Branch 17 Judge Ma. Theresa Mendeza-Arcega, sa kasong panggagahasa sa dalawang bata na 8-anyos, nabatid na inaresto ang suspek sa pamamagitan ng “Oplan Pagtutugis” ng Criminal Investigation and Detection Group, kung saan naganap ang panghahalay noong nakalipas na Agosto 2, 2011 sa isang grade-2 at grade-4 na anak ng live-in partner ng suspek.

Samantala, mariin namang pinabulaanan ng suspek ang ibinibintang sa kanya at pineperhuwisyo lang siya umano ng kanyang ka-live partner na kanya nang hiniwalayan. Aniya, “Sa aking palagay ay inutusan lang nito ang mga bata na magsinungaling laban sa akin.” (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.