2 Parak, Sugatan sa Demolisyon sa Munti

SUGATAN ANG dalawang pulis matapos mauwi sa batuhan ang pagpapatuloy ng demolisyon sa Carmina Compound, Barangay Cupang, Muntinlupa, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Muntinlupa Police Chief Roque Vega ang mga sugatan na sina Police Officer 2 Garcia at Police Officer 2 Aquino.

Nasa naturang lugar aniya ang mga pulis para tiyaking magiging matiwasay ang pagpapatuloy ng demolisyon. Pero na-ging marahas ang ilang residente na sinamahan ng ilang kasapi ng militanteng grupo kaya nauwi sa batuhan ang demolisyon.

Tinamaan ng bato sa braso at kamay ang dalawang parak. Sinabi ni Vega na wala namang nasugatan sa panig ng mga residente.

Samantala, maaalala na 200 pamilya sa compound ang pinaaalis na ng may-ari ng lupain kung saan marami ang tumanggap ng relokasyon habang ang iba ay tumanggap ng pinansyal na tulong.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.