2 Parak, Pinabulagta

DALAWANG PULIS ang itinumba matapos ratratin ng mga ‘di kilalang lalaki sa naganap na magkakahiwalay na karahasan sa Zamboanga City kamakailan.

Kinilala ni P/Senior Supt Edwin de Ocampo ang dalawa na sina PO1 Hudang Insan, 35, ng Isabela City PNP, Basilan at SPO1 Jaafar Jambiran ng Zamboanga City PNP.

Lumalabas sa pagsisiyasat, si PO1 Insang ay nagmomotorsiklo sa bisinidad Nuñez Street, Zamboanga City sa harapan ng  Atlantic Hardware nang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen.

Base sa testimonya ng asawa, si PO1 Insang ay nakatanggap ng mga pagbabanta bago pa maganap ang pamamaril.

Si SPO1 Jambiran ay pinaulanan ng bala na nakatayo sa bisinidad ng Brgy. Lower Calarian, Zamboanga City nang la-pitan at pinagbabaril.

Samantala, nagawa pang maisugod sa Ciudad Medical Center pero idineklarang dead on arrival si SPO1 Jambiran.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.