2 Parak, Nagsapakan sa Prusisyon

MAAARING MAKASUHAN at matanggal sa puwesto ang dalawang pulis na sinasabing kapwa lasing makaraang magsapakan habang hinihintay ang pagdating ng imahe ng Mahal na Ina sa prusisyon sa Naga City, Camarines Sur noong Biyernes.

Kinilala ang dalawang parak na sina PO2 Marcelino Resgonio at PO1 Expedito Francisco na kapwa nakatalaga sa Provincial Public Safety Company (PPSC).

Nabatid na kapwa nakasibilyan ang dalawang pulis kung saan nagkasuntukan sa harap mismo ng mga deboto na naghihintay ng prusisyon ni Nuestra Señora De Peñafrancia.

Agad namang naawat ng mga kasamahang pulis ang dalawang nagpambuno.

Samantala, disma-yado naman ang mga deboto sa kanilang nasaksihan na sa halip na mangalaga sa katahimikan at kaayusan ng prusisyon ay ang dalawang pulis pa ang nag-umpisa ng kaguluhan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.