2 Parak, Nagbarilan, Kapwa Patay

PATAY ANG dalawang pulis matapos magbarilan habang nag-iinuman sa Sitio Ibita, Barangay Guadalupe sa Cebu City.

Idineklarang dead-on-arrival sina PO1 Rey Gabutan ng Guadalupe Police Station at si PO1 Anthony Gonzales na nakadestino sa lalawigan ng Siquijor.

Nag-inuman ang dalawang pulis sa bahay ng isang Natalie Apostol su-balit nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo na umabot sa pagpapaputok ng baril.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nangyaring insidente lalo’t kapwa nasa active service naman ang dalawang namatay.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.