2 Parak na Dawit sa Pagpatay sa mga Ozamis Leader, Kinasuhan ng Murder

KINASUHAN NA ng Murder ang dalawang pulis na sangkot sa pagpaslang sa mga lider ng Ozamis robbery group na sina Wilfredo Panogalinga alyas Kulot at Ricky Cadavero alyas Kambal.

Ayon kay Interior Sec. Mar Roxas, nakakita ng probable cause ang mga nagsisiyasat sa kaso kaya sinampahan ng kasong pagpatay sina P/S/Insp. Manuel Magat at Insp. Efren Ocop.

Bukod sa mga ito, mahigit 10 iba pa ang kinasuhan ng perjury dahil sa mga naging pahayag nila hinggil ng umano’y ambush ng ilang kasamahan ng dalawang namatay.

Maaalala na itu-turn over sana ng mga tauhan ng CALABARZON PNP ang dalawang gang leader sa Bureau of Corrections (BuCor) nang maganap ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.