2 Pangunahing Dam sa Luzon, Umapaw Na

UMAPAW NA umano ang tubig sa mga dam ng Ambuklao at Binga sa lalawigan ng Benguet, dahilan para buksan ng mga dam operator ang mga floodgate nito.

Ayon kay PAGASA hydrologist Sonia Serrano, nakabukas kahapon ang

apat na floodgates ng Ambuklao Dam, kung saan patuloy itong nagpapakawala ng tubig.

Huling naitala ang water level ng dam sa 752.06 metro na bahagyang mas mataas sa normal high level na 752 metro.

Sa kaso naman aniya ng Binga Dam, anim na floodgates din ang nakabukas matapos u-mabot sa 575.40 metro ang water level na mas mataas kung ikumpara sa spilling level of 575 metro.

Ang tubig na ga-

ling sa dalawang dam ay sasaluhin naman ng Ambuklao Dam at ang sobrang tubig ay tutuloy ng San Roque Dam sa Pangasinan, ani Serrano.

Maliban sa tatlong dam, patuloy pa ring binabantayan ng mga kinauukulan ang sitwasyon ng Magat Dam sa Isabela at Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan, na kapwa malapit na rin sa spilling levels dahil sa mga pag-ulang dulot ng bagyong Gener.

Sa ngayon, nananatili pa rin ang red alert status sa La Mesa Dam sa Quezon City dahil sa mataas pa ring lebel ng tubig.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.