2 pang suspek sa Davantes killing, hawak na ng mga awtoridad

DALAWA PANG suspek ang hawak na ng mga awtoridad kaugnay ng pagpatay sa advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes.

Nakatakda namang i-prisinta sa publiko ang mga supek, ayon sa mga awtoridad.

Una nang naaresto kamakalawa ang suspek na si Samuel Decim, na siya ring tumulong sa NBI upang marekober ang laptop at cellphone ng biktima sa Alabang, Muntinlupa.

Sa ulat ng NBI-NCR, nabawi nila ang gamit ni Davantes mula sa isang botique sa nabanggit na lugar.

Mismong ang naarestong suspek ang nagturo sa nasabing botique na pinagdalhan ng mga gamit.

Ayon sa may-ari ng botique, tatlong mga kabataang lalaki ang bumili ng mga hiphop na damit sa kanyang puwesto. Pero wala umanong perang pambayad ang tatlong lalaki sa mga nabiling damit na nagkakahalaga ng halos P6,000. Ginamit na lamang daw na pambayad ng mga lalaki ang cellphone at laptop.

Pero nagdagdag pa umano ang pamilya ng may-ari ng botique ng P11,500 bilang kabayaran sa laptop. Gayunman, nakareformat na umano ang cellphone at laptop nang dalhin sa kanila.

Ipinatawag naman sa NBI ang mga kapatid ni Davantes para kumpirmahin kung pag-aari nga ni Davantes ang mga narekober na gamit.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.