2 Pang Supporter ni Kiram, Tiklo

PATULOY ANG ginagawang pagsisiyasat ng Malaysian Police para sa pagkakakilanlan ng bangkay na narekober sa Kampung Lok Sambuang, na pinaniniwalaang miyembro ng grupo ni Rajah Muda Agbimuddin Kiram.

Base sa report ng state-run news agency, iniulat ni Sabah Police Commissioner Datuk Hamza Taib na nasa kustodiya na ngayon ng Cenderawasih Police Station sa Felda Sahabat ang labi ng salarin.

Sa ngayon, dalawa pang katao ang inaresto ng Malaysian Police ma-tapos mapaghinalaang sangkot sa nangyaring gulo sa Sabah.

Kabilang umano rito ang isang 38-anyos na local resident ng Tanjung Aru at isang 45-anyos na babae.

Ang mga nabanggit ay nahulihan umano ng identification documents na inisyu ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.

Nitong nakaraang linggo rin inaresto ng mga security official ang isang most senior state official sa Malaysia na posible umanong may kaugnayan sa nangyaring gulo sa Sabah.

Ini-report din ni Sabah Police Comissioner Datuk Hamza Taib na kanilang naaresto si Datuk Clarence Luing Karl, kasama ang asawa nito at anak.

Samantala, una nang sinabi ng opisyal na malaki ang maitutulong ng 57-anyos na si Clarence sa ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa madugong insidente.

Matatandaan na sumuko na rin sa mga kinauukulan kamakailan si Datuk Seri Muhammad Ridhwan Sulaiman, matapos ding masangkot sa Ops Daulat investigation ng Malaysian authorities.

Si Ridzwan ang tinutukoy na “financial link” sa grupo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III sa Sabah.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.