2 Pang Miyembro ng Caloocan RDPSTM, Kinasuhan

DALAWA PANG miyembro ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) ng Caloocan City ang nahaharap sa kasong kriminal at administratibo sa Ombudsman dahil umano sa pang-aabuso at pangigipit sa isang tricycle driver at operator nito sa nasabing lungsod.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Sec. 3e ng Republic Act No. 3019 at Grave Misconduct  sa tanggapan ng Ombudsman sina Mario Balingit, hepe ng Tricycle Pedicab Regulatory Service (TPRS) ng RDPSTM at si traffic enforcer Loreto De Dios.

Batay sa sinumpaang salaysay ng dalawang nagrereklamo na sina Ernesto Pagaratos, tricycle operator at Fredirick Pamintuan, tricycle driver, parehong naninirahan sa sa 6th Avenue, Grace Park, Caloocan City, sapilitang in-impound ng dalawang akusado ang kanilang tricycle sa dahilang walang maibigay na P1,000.00.

Sinabi ng dalawang nagrereklamo, nakapa-rada ang minamanehong tricycle ni Pamintuan sa kanto ng 5th Avenue at Rizal Avenue Extention nang sitahin siya ng mga traffic enforcer ng RDPSTM, kabilang si De Dios, dahil walang plaka ang nasabing sasakyan.

Ipinakita naman ni Pamintuan ang certification mula sa  Land Transportation  Office (LTO) (no plate availabale) na nagbibigay-pahintulot na puwedeng ipasada ang naturang tricycle.

Ipinakita din ni Pamintuan ang ibinigay na Certificate of Franchice mula sa pamahalaang lungsod pati na ang kanyang driver’s license at rehistro ng kanyang minamanehong tricycle.

Binalewala rin umano ng mga traffic enforcer ang kanyang paliwanag at sa halip ay dinala ang tricycle sa impounding area sa city hall.

Nang lumapit sina Pamintuan at Paragatos kay Balingit na siyang hepe ng TPRS ay sinabihan sila nito na magbigay na lamang ng P1,000 at maiuuwi na nila ang tricycle.

Kasunod nito ay inisyuhan pa sila ng Tickect No. Cl-000792 pero laking pagtataka nila hindi nakaligay ang pangalan ng hinuling driver na si Pamintuan.

Nang tinanong ng dalawang nagrereklamo si Balingit at Dedios kung bakit hindi inilagay ang

pangalan ni Pamintuan sa tiket ay sinagot sila ng mga ito na “basta magbigay na lamang kayo ng isang libong piso ayos na.”

Dahil sa iniipit ang kanilang sasakyan at matagal nang hindi nagagamit sa paghahanapbuhay ay minabuti na lamang nina Paragatos at Pamintuan na idulog sa Ombudsman ang nasabing usapin.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.