2 paaralan; 24 kabahayan, tinangay ng buhawi

DALAWANG PAARALAN at 24 na kabahayan ang nasira at tila tinangay sa pananalasa ng buhawi sa lalawigan ng Negros Occidental.

Tumama ang malakas na hangin dakong alas-8 ng gabi kamakalawa sa lungsod ng Silay na nagresulta sa pagkasira ng Bagroy at Balaring Elementary School.

Kaugnay nito, walang pasok kahapon sa nasabing mga paaralan matapos liparin ng buhawi ang bubungan ng mga silid-aralan at may mga punong-kahoy na nabuwal na tumama sa mga school building.

Maliban dito, inilipad din ang bubungan ng isang kapilya at limang kabahayan sa Hacienda Adela sa naturang lungsod.

Samantala, tumama rin ang nasabing buhawi sa Brgy. Nanca sa bayan ng EB Magalona, kung saan 19 na mga kabahayan ang partially-damaged at umabot sa 74 na mga indibidwal ang apektado. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.