2 Out of School Youth, Kalaboso sa Murder

BUMAGSAK SA kulungan ang dalawang kalalakihan habang tatlo pang kasamahan ng mga ito ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad matapos nilang patayin ang isang lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Station Investigation Branch ng Barugo Police Station ang dalawang nahuli na sina Ariane Florendo, 19, ng Namapa Compound North Fairview, Quezon City; at Adrianne Umali, 18, Bascom St., North Fairview, Quezon City.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang tatlong kasamahan na may mga alyas na “Differ”, “Lil” at “Kuya”, habang ang kanilang pinatay ay si Christopher Mendoza, 23 anyos, binata, residente ng Muñoz St., Del Mundo Village, Barangay 167, Llano, Bagong Silang, Caloocan City.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ng Caloocan PNP, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang patayin ng mga suspek ang biktima sa kahabaan ng Myrna Subdivision, Barangay 167, Llano, Caloocan City.

Agad na binawian ng buhay ang biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas subalit lingid sa kanilang kaalaman na ang ginawa nilang krimen ay nasaksihan ng dalawang menor de edad na pawang 17-anyos ang pangyayari na itinago sa mga pangalang Bong at Ric na silang nagsilbing testigo sa pagpaslang ng mga suspek sa biktima.

Sa tulong na rin ng mga nakasaksi ay agad na nagsagawa ng follow-up operation ang operatiba na naging sanhi ng pagkakahuli kina Florendo at Umali.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.