2 oras na apoy, sumunog ng bangko at 19 na istraktura

AABOT SA 20 istraktura kabilang ang bangko at mga bahay ang naabo sa dalawang oras na sunog noong Linggo ng gabi sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Sr. Fire Inspr. Ibrahim Guiamalon, hepe ng Kabacan Fire Bureau, nagsimula ang sunog sa likod ng Pinpin Enterprise sa Aglipay St., Poblacion.

Dahil hindi agad naapula ang apoy ay nadamay ang isang rural bank at iba pang establisimyento sa lugar.

Sinasabing yari sa light materials ang mga kabahayan kaya agad lumawak ang apoy.

Blangko naman ang awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.