2 Opisyal ng Barangay sa Caloocan, Walang Takot Magpatupada

 

WALA TAKOT KUNG mag-operate ng tupadahan ang dalawang barangay opisyal na kasangga umano ng isang opisyal ng Caloocan City Hall kaya hindi mabigyan ng kaukulang aksiyon ng Northern Police District (NPD) at ng Caloocan City Police.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Pinoy Parazzi, sina Brgy. Kagawad Vicky Madlangsakay ng Brgy. 8, District 2, Caloocan City at Brgy. Kagawad Lito ng Brgy. 35, Maypajo, ng nabanggit ding lungsod ang sinasabing may kinalaman umano sa nagaganap na patupada sa kani-kaniyang barangay.

Napag-alaman pa sa impormasyon, tuwing araw ng Sabado at Linggo kung magkaroon ng operasyon ng tupadahan sa mga nabanggit na lugar.

Dahil dito, nadidismaya ang mga residente na nakatira malapit sa lugar na pinagdadausan ng tupada sa malakas na ingay na likha ng mga nagsisigawang sabungero.

“Peste naman ang may kagagawan ng patupada sa aming lugar, gusto naming matulog kung hapon ay hindi kami makatulog dahil sobra ang ingay na likha ng mga nagsisigawang sabungero,” ayon sa mga nagagalit na residente sa mga nabanggit na lugar.

Maraming beses na umanong naghain ng reklamo ang mga residente sa Brgy. 8 at Brgy. 35 sa NPD at Caloocan City Police laban sa mga nasabing tupadahan subalit hindi umano sila iniintindi.

Ayon pa sa impormasyon, isang nagngangalang “Al”, isang opisyal ng Caloocan City Hall ang sinasabing siyang nagbibigay umano ng proteksiyon sa operasyon ng tupada sa mga nasabing barangay.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.