2 obrero kritikal sa tanod

KRITIKAL ANG DALAWANG obrero nang pagsasaksakin ng isang barangay tanod dahil sa dating alitan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kapwa ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Ronald Dabal, 19, habang sa katawan naman ang saksak ni Marco Antonio Abella, 19, kapwa ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Ernesto Jimenez, nasa hustong gulang, tanod ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-7:30 ng gabi, naglalakad sa Phase 9 ang mga biktima nang salubungin at undayan ng mga saksak ng suspek.

Matapos ang insidente, dinala ang mga biktima sa EAMC habang tumakas naman ang suspek kung saan inaalam na ang pinag-awayan.                           (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.