2 NPA, Utas sa Engkuwentro VS Militar

KASALUKUYANG KINUMPIRMA ng hepe ng Camalig Police ang naganap na engkuwentro sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at mga nagpapatrolyang Philippine Army Troupers kamakailan sa bahagi ng Sitio Bulod, Brgy. Camaligan, bayan ng Camalig, Albay.

Ayon kay Chief of Police Frande Echaluche, nakita ng tropa ng pamahalaan ang higit 10 miyembro ng rebelde habang nagpapatrolya sa naturang pook.

Unang nagpaputok ang rebeldeng grupo at gumanti ang militar na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang miyembro ng NPA na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala.

Nasamsam naman sa pinangyarihan ng engkuwentro ang mga personal na kagamitan ng mga rebelde, mga revolver at hand grenade.

Samantala, patuloy pa rin ang mga kinauukulan sa pagsasagawa ng hot pursuit operation upang mahabol ang nakatakas na rebelde patungo sa bundok na bahagi ng naturang barangay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.