2 NPA, TUMIMBUWANG SA TROPANG MILITAR

PATAY ANG dalawang miyembro ng komunistang terorista New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng militar sa Sitio Baguboan, Brgy. Aridawen, Sta. Teresita, Cagayan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naganap ang engkuwentro matapos rumesponde ang kasundaluhan sa natanggap na sumbong ng isang residente sa umano’y ginagawang extortion sa mga mamamayan ng mga armadong grupo.

Ayon kay  Lt. Col. Alvin Flores, commanding officer ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army, tumagal nang humigit kumulang 20 minuto ang palitan ng putukan bago tuluyang umatras ang tinatayang 20 kasapi ng Bagong Hukbong Bayan.

Wala namang naiulat na casualties sa panig ng pamahalaan.

Sa ngayon ay patuloy sa pagtukoy ang militar sa pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde na dinala ang mga labi sa isang punerarya sa bayan ng Sta. Teresa.

Nakarekober din ang mga awtoridad ng dalawang long firearms at isang short firearm sa pinangyarihan ng labanan. (E. CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.