2 NPA, Patay sa Engkwentro sa Sultan Kudarat

PATAY ANG dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang isa pa ang naaresto matapos maka-engkwentro ang mga sundalo at pulis sa Barangay Dela Paz, Columbio, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Alexis Noel Bravo, commander ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army na rumisponde ang kanilang mga tauhan sa lugar matapos makatanggap ng sumbong mula sa mga residente kaugnay ng umano’y paninikil ng nasabing armadong grupo sa mga magsasaka.

Hindi pa nakikilala ang dalawang nasawi sa hanay ng NPA pero na-kilala ang naaresto na si Renato Arema.

Samantala, sugatan naman ang isang sundalo na si Corporal Hadji Manor Amino.

Narekober sin sa naturang lugar ang dalawang high-powered firearms. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.