2 NPA dedbol sa engkuwentro sa Ilocos Sur

DALAWANG PINAGHIHINALAANG MIYEMBRO ng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa engkuwentro sa pagitan ng tropa ng militar sa lalawigan ng Ilocos Sur, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, nagkasagupa ang government troops at mga rebelde noong Sabado ng hating-gabi sa Barangay Aluning, Cervantes.

Una munang tinamba-ngan ng may 20 armadong lalaki ang nagpapatrolyang miyembro ng 50th Infantry Batallion ng Philippine Army pasado alas-11 ng gabi, subalit agad nakaporma ang military at gumanti ng putok.

Ilang kagawad din ng pulisya at militiamen ang tumulong sa 30 minutong bakbakan.

Ang  naturang barangay ay malapit lamang sa Barangay Remedios, Cervantes na pinangyarihan ng mahigit tatlong oras na engkuwentro noong Biyernes ng madaling-araw, isang araw makaraang tanggalin ang isang araw na Suspension of Offensive Military Operation (SOMO) bilang paggunita sa UN International Peace Day. (EUNICE CALMA )

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.