2 NPA; 2 Sundalo, Patay sa Enkuwentro

PATAYA ANG apat na katao sa naganap na enkuwentro sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at 11th Infantry Battalion sa Brgy. San Agustin, bayan ng Isabela, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Sa interview ng Bombo Radyo kay 11th IB Commander Lt. Col. Wilfredo Isaac, sinabi nito na dalawa ang binawian ng buhay sa mga rebelde at dalawa na rin ang patay sa kanilang grupo.

Dagdag pa nito, nangyari ang sagupaan habang nagpapatrulya ang grupo sa nasabing barangay kung saan u-

mabot ng halos 10 minuto ang palitan ng putok sa gitna ng dalawang grupo.

Sa ngayon hindi pa nito maibigay ang mga pangalan ng mga nasawi sa engkuwentro dahil nagpapatuloy pa hanggang ngayon ang scouring sa bulubunduking bahagi ng lugar kung saan nangyari ang sagupaan.

Maliban sa mga nasawi, sugatan din ang ibang miyembro ng 11th IB na nakabase sa Brgy. Guihulngan, Negros Oriental. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.