2 Notoryus na Isnatser, Laglag

DALAWANG NOTORYUS na snatcher ang nalaglag sa kamay ng awtoridad nang masakote ang mga ito matapos agawin ang cellphone ng isang 19-anyos na estudyante sa harap ng pinapasukang paaralan sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO2 Ferdinand Orbeta, ang mga naarestong suspek na sina Garymen Giduquio, 19, binata, ng Block 16, Lot 28, Area 3, Dagat-Dagatan, Caloocan City; at Regino Bustillos, 24, binata, ng Block 15, Lot 7, Phase 2, Area 3, Brgy. Longos, Malabon City.

Samantala, ang naging biktima ng mga nasabing suspek ay si Maezle Ronquillo. 19, 3rd year high school student, at residente ng Block 17, Lot 10, Phase 2, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ayon sa ulat ni PO2 Orbeta, may hawak ng kaso, bandang alas-5:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Block 7, Catfish St., Brgy. 14.

Nabatid na kasaluku-yang naglalakad ang biktima para pumasok sa kanyang paaralan nang biglang salubingin ito ng mga suspek at saka sapilitang inagaw ang G-20 brand cellphone ng biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Kaagad namang hu-mingi ng tulong ang biktima kay Barangay 14 Chairman Alexander Mangasar na agad namang inatasan ang kanyang mga tanod na tugisin ang mga nasabing suspek na nagresulta sa maagang pagkakaaresto sa mga ito.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.