2 Niratrat sa Lamayan

SA GITNA ng paggunita ng Biyernes Santo, dalawa ang binawian ng buhay sa naganap na pamamaril sa Zone 1, Brgy. Cubay, Jaro, Iloilo City.

Sinabi ni PO1 Raul Romero ng Jaro police na nangyari ang insidente noong Biyernes Santo ng gabi.

Nakikipag-inuman umano ang mga biktima na sina Renato Cayanan, 30, at Alberto Lazarte, 48, sa isang lamay sa nabanggit na lugar nang pinagbabaril ng tatlong salarin na sakay ng motorsiklo.

Ayon sa mga awtoridad, inihayag ng mga nakasaksi sa krimen na pawang naka-bonnet ang mga salarin at kaagad tumakas matapos ang krimen.

Ang biktimang si Cayanan ay nagtamo ng multiple gunshot wound habang tama naman sa kaliwang dibdib ang tinamo ng namatay na si Lazarte.

Ang dalawa ay parehong dinala sa West Visayas State University Medical Center.

Sinabi ng  pulis na dating alitan ang sinusundang motibo sa krimen kung saan ang isa sa mga nasawi  na si Lazarte ay sangkot sa Catamin murder case na nangyari noong 2008 at ngayong buwan lang nakalabas ng kulungan.

Samantala, ang biktima naman na si Cayanan ay kapatid ng itinuturong suspek sa isang shooting incident na nangyari sa naturang lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.