2 nene, pinapak ng manyak sa motel

KASONG PANGGAGAHASA at Child Abuse ang kakaharapin ngayon ng isang 25-anyos na lalaki matapos nitong halayin ang dalawang menor de edad na babae sa isang motel sa Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni Bulacan Police Director Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang suspek na si Leodegario Vasallo, binata at residente ng 4th St., Pag-asa, Brgy. Tuktukan, Guiguinto, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dumulog sa himpilan ng pulisya ng Guiguinto ang ama ng isa sa mga biktima para ireklamo ang suspek na siyang nagdala at gumalaw sa kanyang anak na itinago sa pa-ngalang Rica, 15 anyos; at sa kaibigan nitong si Judy, 12.

Sa salaysay ng mga biktima kay P/Supt. Mark Rivero, hepe ng Guiguinto Police Station, bandang alas-6 ng gabi, habang sila ay naghuhuntahan sa gilid ng daan sa Brgy. Tuktukan, nilapitan sila ng suspek at inaya silang kumain sa Balagtas.

Dahil sa tiwala at kilala naman nila ang suspek, sumama sila at sabay-sabay na sumakay ng jeep. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas bigla umanong pinahinto ng suspek ang sasakyan at bumaba sa harap ng Tiwala Lodge sa Brgy. Borol 1st, Balagtas.

Tumanggi umano ang magkaibigan na pumasok sila sa motel ngunit naglabas umano ng baril ang suspek at itinutok ito sa tagiliran ni Rica. Dahil sa matinding takot, napilitan na lang silang pumasok sa takot na baka patayin sila nito.

Kung saan salitan silang ginahasa ng suspek at makalipas ang isang oras, iniwan sila nito at nagmamadaling tumakas.

Subalit agad namang naaresto ang suspek sa isang follow-up operation na isinagawa ng Guiguinto Police, bandang alas-11:40 ng gabi sa Brgy. Tuktukan.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.