2 Negosyante, patay sa pamamaril sa GenSan

DALAWANG NEGOSYANTE, ISANG babae at isang lalaki ang kapwa namatay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril at lugar sa Kidapawan City at General Santos City.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang negosyanteng si Dario Qiamco, 49-anyos ng Bagong Silang, Labangal, GenSan matapos na barilin habang umiinom sa loob ng isang bar sa Barangay Lagao sa General Santos City.

Sa report ng pulisya naganap ang pamamaril alas 10:00 ng gabi sa loob ng bar kung saan niyaya siyang magsayaw ng kaibigang si Ronald Rigonda subali’t tumanggi ang biktima at naiwan sa lamesa na umiinom.

Makalipas ang ilang minuto ay isang putok ang umalingawngaw sa loob ng bar at nakita na lamang na nakahandusay na ang biktima at mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan subali’t idineklarang patay ng mga doktor dahil sa tama ng bala mula sa kalibre .45 baril sa ulo.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, dalawa ang suspek na mabilis na sumakay sa motorsiklo.

Samantala, bago ang nasabing insidente, patay rin agad ang negosyanteng babae na si Judith Antolin, 42, may-ari ng isang restaurant at residente ng River Park, Barangay Poblacion, Kidapawan City nang barilin sa loob ng kanyang inuupahang bahay alas 5:00 ng hapon.

Nabatid sa mga nakakita sa krimen, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang pumasok sa bahay ng biktima at agad itong pinagbabaril ng limang ulit sa ulo at dibdib at sinigurong patay.

Nabatid na namamahinga ang biktima sa labas ng bahay nang maganap ang pamamaril at mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungong Sandawa Homes.

Napag-alamang nakatatanggap na ng pagbabanta sa kanyang buhay ang biktima sa pamamagitan ng mga text messages mula sa numerong hindi nakarehistro sa kanyang cellphone. (SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.